Isang 26-anyos Russian mother ang nagsilang ng 22 anak sa pamamagitan ng surrogate procedure dahil sa gusto niyang magkaroon ng maraming anak na hindi bababa sa 83.

Ibinahagi ni Kristina Ozturk sa kanyang Instagram reel ang kanyang “huge and amazing family,” na inilalarawan niya bilang isang “priceless treasure.”

Si Kristina, na nakatira sa Batumi sa Georgia, ay kasal sa isang 58 taong gulang na milyonaryo na si Galip Ozturk.

“Victoria, Mustafa, Maryam, Irene, Alice, Hassan, Judy, Harper, Hussein, Teresa, Anna, Isabella, Ismail, Mehmet, Ahmet, Ali, Christina, Alyona, Sarah, Lokman, Alparslan and Olivia—they are our happiness!” mababasa sa caption ni Kristina. “Each of them gives warmth and love!”

Noong Pebrero 2021, sinabi ni Kristina sa MailOnline na gusto niyang magkaroon ng kasing dami ng ‘105’ na anak at nagbahagi ng insight sa kung paano ang pagpapalaki ng napakaraming anak nang sabay-sabay.

Nauna nang iniulat ng The Sun na nagbayad ang mga Ozturks ng $195,000 (P10.9 milyon) para sa surrogates noong Marso 2020 at Hulyo 2021.

Gumagastos din sila ng $96,000 (P5.3 milyon) sa sahod pa lang ng 16 na stay-in na yaya kada taon.