Labing-isang Pinoy leaders ang napiling lumahok sa 10-araw na 47th Ship for Southeast Asian and Japanese Youth Program (SSEAYP) na magaganap sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 8.
Ang batch na ito ay pamumunuan ng national leader Jogepons Ruloma, isang public servant, registered environmental planner, at licensed professional teacher mula sa Bohol.
Kasama ang ibang youth leaders, na sina Verna Abby Catusalem (Aurora), Aldrine Anzures (Manila), Brian Delos Santos (Masbate), Justine Angelica Orbe (Bataan), Leyden Sta. Isabel (Bacolod), Kingsley De Los Santos (Iloilo), Wilfred Paller (Aklan), Raymark Estael (Agusan del Sur), Abdulfarid Guinomla (Cotabato), at Hilton Soberano (Davao).
Sa pamamagitan ng National Youth Commission, ipapasabak sila sa Japan para lumahok sa immersion programs, cultural presentations, field studies, collaborative discussions with international counterparts, courtesy visits, at dumalo sa anniversary reception sa paggunita sa 50th Year of ASEAN-Japan Friendship and Cooperation.