Magpapatupad ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng traffic rerouting scheme bilang paghahanda sa libu-libong bibisita sa mga sementeryo sa All Saints’ Day sa Nobyembre 1 at All Soul’s Day sa Nobyembre 2.
Simula Oktubre 31, Martes, isasara na sa mga sasakyan ang mga sumusunod na kalsada sa mga kalapit lugar ng Manila North Cemetery:
- Stretch of Aurora Boulevard (from Dimasalang Road to Rizal Avenue)
- Stretch of Dimasalang Road (from Makiling Street to Blumentritt Road)
- Stretch of P. Guevarra Street (from Cavite Street to Aurora Boulevard)
- Stretch of Blumentritt Road (from A. Bonifacio to P. Guevarra Street)
- Stretch of Retiro Street (from Dimasalang Road to Blumentritt Road)
- Stretch of Maceda Street (from Makiling Street to Dimasalang Road)
Maaaring gamitin ng motorista ang mga sumusunod na lugar kung saan papayagang iparada ang kanilang sasakyan:
- P. Guevarra Street (from Blumentritt Road to Aurora Boulevard)
- Feliz Huertas Street (from Blumentritt Road to Aurora Boulevard)
- Oroquieta Street (from Blumentritt Road to Aurora Boulevard)
- Simoun Street (from Dimasalang Road to Mayon Street)