Kalunos-lunos ang sinapit ng dalawang menor de edad matapos na gilitan at pagsasaksakin ng sariling ina nitong Lunes, Oktubre 16, ng umaga sa loob mismo ng kanilang bahay sa Magallanes, Cavite.

Dead on the spot ang mga bata na nagkaka-edad ng tatlo at apat na taong gulang.

Ginagamot naman sa hospital ang kanilang ina na si Clarisse Tapang, na nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng paglalaslas ng leeg gamit ang isang cutter.

Batay sa ulat ng Magallanes Municipal Police Station, dakong 9:00 ng umaga nitong lunes ay nakatanggap sila ng ulat hinggil sa insidente sa Sitio Kakaanan, Barangay Pacheco.

Sa pagresponde ng mga pulis, nadatnan nila ang magkapatid na wala nang buhay habang sugatan naman ang suspect na isinugod din sa pagamutan.

Sinasabing naburyong ang suspect dahil sa kaliwa’t kanang utang kaya’t naisipan niyang wakasan na lamang ang kanilang buhay.

Ulat ni Baronesa Reyes