Isang ‘di pa nakikilalang lalaki ang patay matapos tumalon mula sa ika-12 palapag ng gusali sa mataong lugar sa Sampaloc, Manila noong Linggo, Setyembre 10.

Ayon sa imbestigasyon ng Barbosa Police Station ng Manila Police District, tumalon ang hindi pa kilalang lalaki mula sa 12th Floor ng Leashaw Lucky Dorm sa Earnshaw St. corner Centro Extension, Barangay 405, Sampaloc, dakong ala:4 ng hapon.

Sinabi ng security guard na si Jundam Almar, pumuwesto muna ang suicide victim mula sa concrete slab sa tabi ng bintana ng gusali nang ilang segundo bago ito tuluyang tumalon at bumagsak sa kalsada kung saan may mga dumaraang sasakyan.

Inaalam pa rin ng MPD ang pagkakilanlan ng biktima at ang motibo ng kanyang pagpapakamatay.