Kumakalat ngayon ang video ng aabot sa 30 Pilipino na umaapela ng tulong sa gobyerno ni President Ferdinand R. Marcos Jr. matapos silang i-recruit sa Pilipinas bilang bunker cleaners pero pagdating sa Russia ay isinailalim sa military training para isabak sa giyera sa Ukraine.

“Nanawagan ako sa gobyerno ng Pilipinas. Kami po ay nabiktima rito sa Russia dahil ang pagkakaalam po namin ang magiging trabaho namin ay cleaner sa bunker,” pahayag ng isang Pinoy sa video, habang nakasuot ng military uniform at napapaligiran ng iba pang mga Pilipinong pawang biktima ng illegal recruitment.

Himutok ng mga Pilipino, nagbayad pa umano sila ng P100,000 sa nag-recruit sa kanila: “Almost 30 kami lahat. Nahihirapan na kami rito dahil sa military training na ito. May mga (Russian) Army rito.”

Panawagan ng mga Pilipino: “Kailangan namin ang agarang aksiyon ng Pilipinas, lalo na sa aming mahal na Presidente PBBM.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *