Tinawag ni House prosecutor at Manila 3rd District Rep. Joel Chua na “nuknukan ng sinungaling” si Davao City Assessor Engr. Jaime Adalin, unang witness ng defense team sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Lunes, Nobyembre 9.

Sa isang press conference, kinuwestiyon ni Chua ang kredibilidad ni Adalin kasunod ng cross-examination sa kanya sa pagdinig ng Senate impeachment court.

Matatandaang naunang iginiit ni Adalin na ang isang titled property sa Davao City ay siya ring lupang nakasaad sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Duterte.

Gayunman, kinuwestiyon ng prosekusyon ang pagkakaiba umano sa lokasyon at halaga ng property.

“Maniniwala ba kayo sa pinakita na klarong-klarong restaurant ‘yan? May pangalan pa, sasabihin niya hindi siya sigurado anong klaseng assessor ’yan?” saad naman ni House prosecution spokesperson at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *