Kinuwestiyon ni Senator-Judge Kiko Pangilinan ang mga “inconsistencies” sa testimonya ni Engr. Jaime Adalin, ang assessor ng Davao City, sinabing hindi na alam ng senador ang paniniwalaan dahil paiba-iba ang sinasabi ng unang testigo ng defense team ni Vice President Sara Duterte.

“Clearly there are inconsistencies in your testimony. Forgive me, Engineer. You say one thing and then you say another thing. So, we are wondering, ano ba talaga ang totoo sa sinasabi mo?” ani Pangilinan.

Nag-react si Pangilinan matapos sabihin ni Adalin na hindi niya makumpirma kung ang litrato ng property na una nang ipinakita sa kanya ay ang ari-ariang tinutukoy sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni VP Sara at sa deed of sale.

Katwiran ni Adalin, hindi siya sigurado dahil ang litrato na una nang ipinakita sa kanya ng kanilang appraiser ay walang business name.

Bukod kay Pangilinan, binatikos din nina Senator-Judges Risa Hontiveros, Raffy Tulfo, at Erwin Tulfo ang anila’y paiba-ibang sinasabi ng testigo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *