Inanunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) na magsisimula na ngayong Biyernes, Mayo 15, ang paglalabas ng mid-year bonus para sa mga kwalipikadong empleyado ng gobyerno, kabilang ang mga militar at uniformed personnel.

Ayon sa DBM, naglaan ang pamahalaan ng kabuuang ₱73.456 bilyon para sa mid-year bonus ngayong Fiscal Year 2026, na inaasahang mapapakinabangan ng higit sa 1.9 milyong civilian, military, at uniformed personnel sa iba’t ibang ahensya ng pambansang pamahalaan.