Inaasahang muling tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na Martes, Mayo 19, kung saan mas malaking dagdag-presyo ang kakaharapin ng diesel dahil sa muling pag-init ng tensyon sa Middle East.
Batay sa impormasyon mula sa isang industry source ngayong Biyernes, Mayo 15, maaaring tumaas ang presyo ng diesel ng ₱2.00 hanggang ₱2.50 kada litro, habang ang gasolina naman ay inaasahang aakyat ng ₱0.75 hanggang ₱1.25 kada litro.
Batay ito sa unang apat na araw ng Mean of Platts Singapore trading at galaw ng foreign exchange ngayong linggo.
Ulat ni Bea Tanierla
