Humingi ng paumanhin sa publiko si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla kaugnay ng implementasyon ng “Safer Cities Initiative” na nagresulta sa paghuli sa isang lalaking walang pang-itaas na damit habang nagtatrabaho sa Mandaluyong City.

“Ang gusto ko lang po, ang tanging hangarin ko ay patahimikin ‘yung mga kalye. Ngunit, dahil sa kakulangan ng aking paliwanag, ay kahit sino na lang, basta walang t-shirt, ay siyang dinampot. Mali po ‘yun. Nagkamali po kami roon. And I take full responsibility,” sabi ni Remulla.

“Ako na po ang humihingi ng paumanhin. It was my fault that I did not give clearer instructions on how to do the Safer Cities Initiative. Nagkulang po ako roon,” sabi ni Remulla sa isang press briefing ngayong Lunes, Abril 13.

“So far, ang report ng aking mga regional directors and district directors ay malaki na po ang binaba ng krimen ng eight focus crimes sa Metro Manila at sa ibang mga lugar. We expect to do more and we expect to be better. But don’t expect to be perfect,” dagdag ni Remulla.

Ulat ni Julian Katrina Bartolome