Walang pagtaas ng presyong magaganap sa basic necessities at prime commodities hanggang Abril 30, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Sa isang press briefing ngayong Miyerkules, Abril 8, sinabi ni DTI Secretary Cristina Roque na ito ang naging paksa ng kanilang pag-uusap kasama ang ilang manufacturers nitong Lunes, Abril 6.
Matatandaang unang inihayag ng DTI na walang magaganap na pagtataas sa presyo ng mga pangunahing bilihin o basic goods hanggang sa Abril 16.
Ulat ni Bea Tanierla
