Bumagsak na sa 75 sentimos ang purchasing power o ang tunay na kakayahan ng piso na makabili ng mga produkto at serbisyo nitong nagdaang Marso, ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Undersecretary Claire Dennis Mapa.

Ayon kay PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, nabawasan na ng 25 percent ang halaga ng salapi dahil sa patuloy na epekto ng inflation o ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Bunga umano ito ng sunod-sunod na pagsirit ng presyo ng langis, kuryente, at pangunahing bilihin simula noong 2018 hanggang nitong Marso 2026.

Sa madaling salita, ang mga grocery na dating nabibili sa halagang ₱1,000 noong 2018 ay nangangailangan na ngayon ng humigit-kumulang ₱1,330 para makuha ang parehong dami at uri ng produkto.