Ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa mundo na nagdeklara ng national state of emergency bunsod ng lumalalang krisis sa enerhiya at langis sa buong mundo, ayon kay Secretary of Foreign Affairs Ma. Theresa Lazaro.
“We are the first [country] to declare an energy emergency. Now, how bad is it? It seems that our supply for our petroleum needs is about 40 to 45 days,” saad ni Lazaro.
Umaangkat ang Pilipinas ng 98 percent ng suplay ng langis nito mula sa Gulf region, na nagdulot ng pagsipa sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa simula nang sumiklab ang US-Israel war laban sa Iran nitong Pebrero.
Sa isang panayam sa CNN, sinabi ni Lazaro na aabot na lamang sa 40 hanggang 45 araw ang natitirang suplay ng petrolyo sa bansa, na nagdudulot na ng mabigat na pasanin sa mga ordinaryong Pilipino sa araw-araw.
“The transportation cost, the price of food, because it also affects the fertilizers that are being used for food security. So these are all now, it has its cascading effect. From energy issues, it goes down to our food, agriculture particularly,” ani Lazaro.
Ulat ni Julian Katrina Bartolome
