Wala pa ring linaw kung kailan matatapos ang kalbaryo ng mga motorista matapos ihayag ni Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin na posibleng tumaas pa ng hanggang P140 ang presyo kada litro ng diesel sa bansa.

Bagamat ganito ang posibleng mangyari, sinabi ni Garin na hindi pa rin kasing tindi ng nangyaring dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo nitong mga nakaraang linggo kumpara sa mangyayari ngayong linggo.

Sa ginanap na media briefing, sinabi ng kalihim na ang price adjustment ngayong linggo ay nasa P8 hanggang P12 kada litro para sa gasoline, P15 hanggang P18 kada litro sa diesel; at P12 hanggang P22 sa kerosene.

Sa kasalukuyan, pumapalo ang presyo ng diesel sa pagitan ng P107 hanggang P144.20 kada litro sa Manila at iba pang high-urbanized areas sa banza.