Inihayag ni dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na magiging testigo umano siya sa impeachment proceedings ng Kamara de Representantes laban kay Vice President Sara Duterte.

“Magiging testigo ako dito sa impeachment, so naghahanda na rin ako ng aking presentations,” pahayag ni Trillanes.

Ayon kay Trillanes, siya umano ang unang pangbungad, ngunit kukuha pa rin siya ng iba pang mga testigo.

Bahagi rin umano ng kanyang pagtestigo ay ang paglatag niya ng mga alegasyon hinggil sa umano’y “ill-gotten wealth” ni VP Sara.

“Ako lang ‘yung pangbungad, but iba-ibang mga testigo ang kukunin pa rin to corroborate ‘yung aking mga sasabihin,” wika ni Trillanes sa panayam ng radio ngayong Martes, Marso 24.

Ulat ni Jilliane Libunao