Naghain si Sen. Risa Hontiveros ng Senate Bill No. 1986 na naglalayong maglaan ng ₱52.8 bilyon na subsidy package para suportahan ang mga sektor na lubhang apektado ng nararanasang krisis sa langis.
“We badly need concrete transport solutions way beyond the suspension of excise taxes. Magandang simula ang ₱5,000 transport subsidy, pero kulang iyan, at dapat palawakin,” saad ni Hontiveros.
Kasabay ito sa kanyang panawagan para sa mga kongkretong transport solutions sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa dulot ng kaguluhan sa Middle East.
“Malaking bagay iyan sa ating transport sector, sa ating PUV drivers, delivery riders at TNVS drivers. Beyond drivers, dapat ding tulungan ang transport cooperatives na sumasapo sa gastos ng diesel at sa pagbayad ng bank loans para sa mga bagong jeep,” saad ni Hontiveros sa isang video message nitong Lunes, Marso 23.
“Ang mahalaga, agarang kumilos ang Malacañang at ang buong gobyerno. Huwag na nating hintayin na maparalisa ang buong transport sector at tumaas lalo ang presyo ng bilihin,” dagdag niya.
Ulat ni Jilliane Libunao
