Mahigit 40 energy facilities sa Middle East ang idineklarang “severely damaged” dahil sa pagpapatuloy na giyera sa rehiyon, ayon sa International Energy Agency (IEA) ngayong Lunes, Marso 23.

“At least forty… energy assets in the region are severely or very severely damaged across nine countries,” saad ni IEA chief Fatih Birol.

Samantala, nagbanta ang Iran na aatakehin nito ang mga energy sites sa Middle East matapos sabihin ni United States President Donald Trump na pasasabvgin ang kanilang mga power plant kapag hindi binuksan ang Strait of Hormuz, na dinaraanan ng 20 percent ng suplay ng krudo sa buong mundo

Ulat ni Bea Tanierla