Isang eroplano ng Air Canada ang nagtamo ng pinsala matapos sumalpok sa isang truck sa runway ng LaGuardia Airport sa New York City nitong Linggo, Marso 22, (oras sa US) dahilan upang matigil ang operasyon sa naturang pasilidad.

Agad na nagdeklara ng “aircraft emergency” ang Federal Aviation Administration ng LaGuardia Airport para ipatigil ang operasyon sa paliparan matapos bumangga ang Air Canada flight 8646 sa isang sasakyan nang lumapag ang eroplano sa Runway 4 dakong alas-11:38 ng gabi.

Ayon sa FlightRadar 24, umalis ang Air Canada flight 8646 mula sa Montreal Trudeau International Airport pasado alas-10:30 ng gabi at lumapag sa LaGuardia matapos isang oras.

Tumatakbo ang eroplano ng 130mph sa runway bago it sumalpok sa isang sasakyan, ayon sa pinakahuling data point na nakolekta ng FlightRadar 24 bago naganap ang trahedya.