Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) para sa ilalatag na seguridad sa ikakasang transport strike ng grupong Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) sa Huwebes, Marso 19.
Ayon pa kay PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño, inihahanda na rin nila ang mobility assets para maghatid ng libreng sakay sa mga maapektuhang commuters.
Inanunsiyo ng PISTON ngayong Lunes, Marso 16 ang naturang tigil-pasada kung saan ipananawagan nila ang pag-alis ng value-added tax (VAT) at excise tax sa produktong petrolyo, pag-roll back ng presyo ng langis, at P5 fare increase.
Ulat ni Bea Tanierla
