Naiuwi na sa Pilipinas ngayong Sabado ng umaga, Marso 14, ang mga labi ni Mary Ann De Vera, ang overseas Filipino worker (OFW) na nasawi sa missile attack sa Tel Aviv, Israel.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), sinalubong ang mga labi ni De Vera ng kanyang asawang si Bernie Lavarias.
Tiniyak naman ng mga opisyal ng OWWA na maibibigay ang agarang tulong at suporta para sa naulilang pamilya ni De Vera.
Ulat ni Julian Katrina Bartolome
