“We are thankful that they (airline companies) are still holding on (to the current air fare rates),” pahayag ni DOTr Secretary Giovanni Lopez.
Sinabi ni Lopez na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ahensiya sa mga airline companies upang maibsan ang epekto ng mega oil price hike sa industriya bunsod ng lumalalang kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Sa ginanap na press conference ngayong Miyerkules, Marso 10, sinabi ni Lopez na gumagawa na rin ang gobyerno ng paraan, partikular ang Civil Aeronautics Authority of the Philippines (CAAP), para mabawasan ang bayarin ng mga airlines tulad ng landing and take off fee sa mga paliparan.
“We have to do some mitigating efforts also not only s aairlines but also sa pamasahe ng mga gustong bumiyahe,” ani Lopez.
