Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang reklamo laban sa aktres na si Gretchen Barretto at iba pa kaugnay ng missing sabungeros case.
Sa isang 120-pahinang joint resolution, sinabi ng panel of prosecutors na ang mga ebidensyang laban sa tinaguriang Pitmaster Alpha Group, kung saan sinasabing kabilang si Barretto, ay espekulasyon lamang at walang sapat na ebidensiya.
“The Patidongan brothers merely alleged that these persons attended meetings where decisions were supposedly made to ‘punish’ cheating sabungeros,” saad ng panel sa resolusyon.
“However, there is no showing that they gave direct orders, participated in logistics, or had knowledge of the specific abductions. Their alleged ‘approval’ during meetings was unsupported,” dagdag pa nito,
Samantala, nakita ng mga piskal na may prima facie evidence upang sampahan ng kasong kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention ang negosyanteng Charlie “Atong” Ang at 21 pang iba.
Ito’y kaugnay ng reklamong inihain ng mga pamilya ng mga nawawalang sabungero.
Ulat ni Bea Tanierla
