“The funding for the ISIP Pilipinas national campaign (2021–2022), along with other parallel groups, came from POGO operators and drvg dealers,” sabi ni Ramil Lagunoy Madriaga.

Sa kanyang sinumpaang salaysay na may petsang Nobyembre 29, 2025, sinabi ni Ramil Lagunoy Madriaga, dating political operator ang security officer ni former President Rodrigo Roa Duterte, na siya mismo ang nagde-deliver ng malaking halaga ng salapi mula sa kampo ni Vice President Sara Duterte, kasama umano rito ang ibinuhos para sa kampanya ng huli noong May 2022 elections.

“Our worked involved tactical transport services, securing VP Sara and other VIPs, conveying highly confidential information, and transporting large amounts of money to several persons as instructed by VP Sara,” nakasaad sa kanyang affidavit.

Nakasaad din sa affidavit ni Madriaga na dahil ilang ulit siyang nag-deliver ng mga duffle bag na puno ng pera para kay VP Sara, naging pamilyar na siya sa mga tumatanggap ng mga ito, kabilang si Office of the Vice President (OVP) spokesman Reynold Munsayac, na kaklase ng Bise Presidente sa San Sebastian College (SSC) – Law Department.

Aniya, sa utos ni Col. Dennis Nolasco ng Vice Presidential Security Group (VPSG), nag-deliver siya ng apat na duffle bag na naglalaman ng P30–P35 million kay Munsayac sa isang comedy bar sa Timog area, Quezon City na pag-aari ng isa pang kaklase nila VP Sara sa SSC-Law.

Sinabi ni Madriaga, nagsimula siyang tumulong sa noo’y Davao City Mayor Digong Duterte nang sumabak ito sa pagkapangulo noong 2016 matapos itong ipakilala ni Parañaque
Congressman Roilo Golez para magsilbing political at security adviser.

At nang maupo sa Malacañang si Digong, nagsimula na ring umaktong counter-intelligence agent para sa National Security Council si Madriaga, na nagtapos ng abogasya subalit hindi pinalad na makapasa sa bar exams.

Sinabi ni Madriaga hindi nagtagal at pinakiusapan siya ni Digong na tulungan si Sara Duterte sa pagtakbo nito sa vice presidential race hanggang manalo ito sa May 2022 elections.

Dagdag pa ni Ramil, personal siyang naghatid ng P80,000,0000 sa tanggapan ng Ombudsman noong Disyembre 2022 na kanyang ikinarga sa isang puting Toyota Vios na iniwan niyang nakaparada sa parking lot ng ahensiya kasama ang susi na ikinubli niya sa ilalim ng tapalodo ng sasakyan.

“One day, I saw the same Vios being driven by the wife of Ombudsman Prosecutor Ryan Rey Quilala, named Rhea, who was a classmate of VP Sara Duterte at SSC-Law,” ani Madriaga.