Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na magsagawa ng preemptive o mandatory evacuations sa mga high-risk areas na maaaring maapektuhan ng inaasahang malakas na bagyong “Uwan” sa darating na weekend.

“We are calling on all local chief executives to complete the evacuation of residents in high-risk areas no later than Sunday. Early evacuation saves lives,” saad ng DILG.

Hinimok ng DILG ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ngayong Biyernes, Nobyembre 7, na huwag nang hintaying lumala ang sitwasyon bago ilikas ang mga residente mula sa mga lugar na madaling bahain at magkaroon ng landslide.

Samantala, pinaalalahanan din ang mga LGU na ihanda ang mga evacuation center na may sapat na supply at mapagkukunan ng kuryente para sa mga evacuee.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang naturang bagyo ngayong Biyernes ng gabi, Nobyembre 7, o sa Sabado, Nobyembre 8, at posibleng umabot sa Signal No. 5 ang ilang bahagi ng bansa.

UIat ni Britny Cezar