Sa ginanap na press conference ngayong Biyernes, Agosto 22, naghain na ang National Police Commission (Napolcom) ng kasong administratibo sa Napolcom Legal Affairs Service laban kay dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director Brig. Gen. Romeo Macapaz dahil sa diumano’y pag-iimbento ng kaso laban sa mga testigo sa 34 na nawawalang sabungero.
“After ho mag-conduct ng initial evaluation, nakita namin na mayroong kaming jurisdiction involving both cases,” sabi ni Edman Pares ng Napolcom Inspection, Monitoring and Investigation Service (IMIS).
“And we also conducted a pre-charge investigation. Nakitaan po namin ng probable cause to file an administrative complaint for grave misconduct and conduct unbecoming a police officer,” dagdag ni Pares.
Inaakusahan si Macapaz ng “deliberate obstruction” sa imbestigasyon sa hiwalay na insidente noong Hulyo 20, sa Cambodia, sa Philippine Embassy sa Cambodia, at sa Quezon City.
Ang reklamo ay nag-ugat sa diumano’y pagtatangka ni Macapaz na baliktarin ang magkapatid na Patidongan upang palabasin na sila ang utak sa pagdukot sa 34 sabungero na biglang naglaho noong 2021 at 2022.
Dati nang itinanggi ni Macapaz at paratang ng mga Patidongan dahil ang intensiyon lamang niya ay upang makapasok ang mga ito sa witness protection program ng pamahalaan kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Makikita sa charge sheet laban kay Macapaz ang mga sumusunod:
“1. Unlawfully seized the cellphones of complainant Ellakim T. Patidongan and his brother, Jose Patidongan, and refused to immediately return them despite repeated demands;
- Altered key evidence by deleting messages contained in the devices; and
- Concealed the SD cards of the seized phones with the intent to impair their availability as vital evidence in the ongoing investigation.”
Ulat ni Ansherina Baes
