Mariing kinondena ng open-source research initiative SeaLight ang diumano’y “state-orchestrated disinformation campaign” ng China sa usapin ng West Philippine Sea kung saan ang layunin umano nito na patahimikin ang katotohanan, alisin ang ebidensya, at buwagin ang resolba ng mga nananawagan para sa paggalang sa maritime rights.

“What we’re witnessing is not a mere academic debate. This is a state-sponsored attempt to undermine transparency and delegitimize those who stand for international law and sovereign rights,” iginiit ni SeaLight Executive Director Ray Powell.

Ayon kay Powell, hindi lang umano nagsisilbi bilang banta ang naturang kampanya sa soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea, kundi pati rin sa “global norms of accountability” dahil pilit umano nitong sinisira ang mga nagtatangkang ibunyag ang agresibong “maritime behavior” ng China.

Ngunit, hindi lang Pilipinas ang target ng “disinformation campaign”, pati si Powell ay hindi ligtas sa ginagawang “smear campaigns” bunsod ng patuloy na pagtataguyod niya sa karapatang pandagat ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

“As an American who has had the privilege of working alongside Filipino friends to advance maritime transparency, I feel compelled to address the coordinated information warfare campaign waged by the PRC—not just against me or SeaLight, but against all efforts to shed light on its gray zone operations in the West Philippine Sea,” saad niya.

Ulat ni Jilliane Libunao