Nagbabala ang 1Sambayan coalition sa mga bansang ikinokonsidera ang pagkupkop kay dating pangulong Rodrigo Duterte—sakaling mapagbigyan ng International Criminal Court (ICC) ang interim release nito—na ang pagtanggap sa dating pangulo ay magiging “betrayal” sa hustisya at pananagutan at makakasira sa kanilang pandaigdigang reputasyon.

“Granting refuge to a figure accused of such grave crimes would not only undermine the integrity of the ICC (International Criminal Court) process, but would also send a dangerous message to other potential perpetrators of human rights abuses worldwide: that impunity is attainable,” babala ng 1Sambayan.

Tinuligsa ng koalisyon ang pagtatangka ng kampo ni Duterte na pansamantalang mapalaya ito mula sa pagkakapiit sa The Hague, Netherlands, sinabing isa iyong “profound insult” sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao at isang “blatant attempt to subvert justice.”

Sinabi pa ng 1Sambayan na ang pagpapalaya kay Duterte, kahit pa pansamantala lamang, ay maaaring magsilbing banta sa mga saksi at sa mga pamilya ng mga biktima na nakikipagtulungan ngayon sa ICC.

Anang 1Sambayan, maaaring gamitin ng dating presidente ang pansamantalang kalayaan upang maghiganti sa mga nagrereklamo rito o kaya ay impluwensiyahan ang proseso ng paglilitis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *