Inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III sa press briefing ng Malacañang noong Miyerkules, Hunyo 4, na walang quota ang ‘paramihan’ ng kriminal na nahuli sa kanilang bagong performance metric system.

“Walang quota. Ang measure diyan is ‘yung reduction and elimination of threat in our community, ‘yung pag-alis ng kriminal… Ang sa atin dito, gawin nating payapa ang ating komunidad,” saad ni Torre.

Aniya, ang tunay na sinusukat dito ay ang pagbawas ng threat sa isang lugar o komunidad na magreresulta umano sa mas maraming aresto.

“Walang sinasabi na alisin mo ‘yung hindi kriminal, gawin natin silang kriminal. Hindi po puwede ‘yung sasabhin na palabanin natin ang mga ‘yan. Hindi gano’n. That’s crazy, ano?” saad ni Torre.

Iginiit naman niya na hindi niya ito-tolerate ang mga “wanton killings” ng mga inosenteng tao at sinabing sisiguraduhin niyang aarestuhin ng mga pulis ang mga kriminal nang buhay.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *