Pinabulaanan ni Senate Minority Leader Risa Hontiveros sa isang panayam nitong Martes, Hunyo 3, ang mga usapin na hanggang sa kasalukuyang Kongreso na lamang ang nakabinbin na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
“Bagama’t may general rule na lahat ng unfinished business sa Senado ay mateterminate sa katapusan ng bawat Kongreso, ‘yang rule na ‘yan nag-a-apply lamang po sa mga trabahong kaugnay ng exercise of our legislative function,” saad ni Sen. Risa Hontiveros.
Iginiit ng senador na bagamat may hangganan ang mga trabaho ng kasalukuyang Kongreso ay hindi umano saklaw ang impeachment trial dito.
“Hindi po kasama ang impeachment d’yan. Sinabi din ‘yan ng Korte Suprema eh; impeachment is a non-legislative function of the Senate,” ani Sen. Hontiveros.
Sa pagbabalik sesyon ng 19th Congress nitong Lunes, Mayo 1, binatikos ng senador sa kanyang privilege speech ang desisyon sa muling pagpapaliban sa impeachment trial ni VP Sara at nanindigan na dapat ito’y simulan na ng Senado.
Ulat ni Jilliane Libunao