Nakipagkamay sa hangin si Pasig City Mayor Vico Sotto matapos hindi dumalo ng kanyang katunggali na si Sarah Discaya sa Peace Covenant signing nila sa Sta. Clara de Montefalco Parish nitong Huwebes, Marso 27.
Nagtipon sa naturang event na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec), ang mga kandidato para sa mga lokal na posisyon ng Pasig upang lumagda ng Integrity Pledge at mangako ng patas at payapang eleksyon.
Nag-viral naman ang isang video ni Mayor Vico sa photo op ng naturang event kung saan iniabot niya ang kanyang kamay sa ere, na tila nakikipagkamay sa kanyang kalaban na hindi sumipot.