Nakalabas na ng ospital si Pope Francis matapos ma-confine nang mahigit isang buwan mula nang ma-diagnose ang Santo Papa sa double pneumonia.

Na-discharge na si Pope Francis nitong Linggo, Marso 23, limang linggo matapos ma-confine sa Gemelli Hospital sa Rome mula noong Pebrero 14, 2025 dahil sa double pneumonia.

Nagdiwang naman ang mga tao nang makita nila ang Santo Papa sa unang pagkakataon matapos ang ilang linggo.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *