Pinabulaanan ng China nitong Lunes, Marso 24, ang mga ulat na nakatanggap ito ng asylum request mula kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon sa kanilang Ministry of Foreign Affairs, ang pagbisita ng dating pangulo sa Hong Kong ay para umano sa isang private holiday.

“Mr. Duterte’s visit to Hong Kong is a private holiday. China has never received an application from the so-called former President Duterte and his family to seek asylum from the Chinese government,” saad ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Guo Jiakun.

Matatandaang noong Marso 7 ng kasalukuyang taon, pumunta si Duterte at kanyang kampo sa Hong Kong para dumalo sa “Pasasalamat Kay PRRD With OFWs” event na inorganisa ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Sa parehong araw, inilabas ng Pre-Trial Chamber I ng International Criminal Court (ICC) ang arrest warrant laban sa dating pangulo, na naaresto noong Marso 11, 2025 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ulat ni Bea Tanierla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *