Inihayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ngayong Miyerkules, Marso 19, na naghahanda na ang kagawaran, kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno, upang magpatupad ng mga hakbang na makatutulong sa pagpapagaan ng inaasahang matinding trapiko sa pagsisimula ng rehabilitasyon ng EDSA sa katapusan ng Marso.
Ayon naman sa Department of Public Works and Highways (DPWH) – National Capital Region, ang isang bahagi ng rehabilitasyon ay magsisimula sa northbound lane, mula sa boundary ng Quezon City at Caloocan hanggang Monumento.
Samantala, bahagi ng paghahanda ng bansa para sa gaganaping Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa 2026 ang isasagawang rehabilitasyon.
Ulat ni Britny Cezar