Abala ngayon si Vice President Sara Duterte sa pagbubuo ng legal team na hahawak sa kasong crimes against humanity na kinahaharap ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

“We want him (Atty. Harry Roque) to focus on his asylum. We want our lawyers to focus on the team,” sabi ni Duterte.

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni VP Sara na nangangalap pa rin sila ng mga abogado, kabilang ang mga foreign lawyers, upang makabuo ng isang solid legal team at matiyak na maipapanalo ng kanyang ama ang kaso.

Kasabay nito, inamin ni VP Sara na hindi kabilang si dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque sa kanilang legal team na pamumunuan ng British lawyer na si Nicholas Kaufman kasama si dating executive secretary Salvador Medialdea.

“We do not want complications. Gusto naming nakatutok talaga ‘yung lawyers dun sa kaso,” giit ng bise presidente.

Ito ay dahil sa application for asylum na inihirit ni Roque sa Dutch government upang siya ay magtagal sa The Netherlands at mapabilang sa legal team ni Digong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *