Maraming mamamayan ang nagulat nang biglang ianunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsibak kay Oscar Bongon bilang general manager ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ngayong Martes, Marso 18.

“Hindi ko gusto ‘yun attitude na hindi agad-agad na inaaksiyunan, parang dine-delay, hindi nagiging urgent ang kanilang serbisyo sa commuters,” sabi ni DOTr Secretary Vivencio “Vince” Dizon.

Ang pagkakasibak kay Bongon ay nangyari isang araw matapos mag-inspeksiyon si Dizon sa MRT-3 kung saan mismong siya ay dumaan sa turnstile, gumamit ng escalator, at sumakay sa isa sa mga bagon upang mapulsuhan ang sitwasyon ng mga commuter.

Subalit hindi nagustuhan ng kalihim nang makita niya na hindi gumagana ang isang escalator na dapat sana ay matagal nang ipinagawa ng MRT-3 management.

“Kailangan natin dito ang mga tao na mabilis umaksiyon,” giit ni Dizon sa panayam ng Radyo Publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *