Pasok ang dalawang Pinay sa final line-up na nakatakdang mag-debut sa new all-girls group na nabuo sa pamamagitan ng survival show na “Universe Ticket.”

Sa huling episode ng South Korean survival program na “Universe Ticket,” si Gehlee Dangca, 16, ay inihayag bilang ika-apat na miyembro ng grupo matapos siyang makatanggap ng 2,464,526 na boto.

Nakapasok din sa 8-member group ang Filipina Korean na si Jin Hyeon-ju, 22, na kilala rin bilang Belle mula sa K-pop girl group na Cignature. Nakakuha siya ng 496,797 boto at siya ang huling inihayag na miyembro.

Parehong umabante sa P-level, na siyang pinakamataas na ranggo sa talent competition. Makakasama nila si Elisia Parmisano sa grupong binuo ni F&F Entertainment.