Nanalo ang Gilas Pilipinas laban sa Korean team na LG Sakers, 86-81, sa tune-up game noong Biyernes, Setyembre 22, sa PhilSports Arena bago ang 19th Asian Games.

Pinangunahan ni Justin Brownlee ang Philippine squad na may 19 puntos at limang rebounds.

Umangat ng walong puntos ang Gilas sa kalahati, ngunit nahabol ng LG Sakers sa ikatlong quarter at hanggang sa mga huling minuto ng laban.

Nag-ambag din sina June Mar Fajardo at Calvin Oftana ng 16 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Lilipad ang Gilas sa Hangzhou, China ngayong Sabado, Setyembre 23, para sa continental sporting event.

Makakaharap ng Pilipinas ang Bahrain sa Martes, Setyembre 26.