Naka-bounce back ang Filipino Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena nitong Linggo, Setyembre 3, matapos magwagi sa Internationales Stadionfest (ISTAF) Berlin outdoor pole vault event sa Germany.

Nakuha ni Obiena ang 5.92 meters para manguna sa nasabing event matapos na hindi makaharap sa podium at huling magtapos sa Zurich leg ng Diamond League.

Si Sondre Guttormsen ng Norway ay pumangalawa, habang ang American KC Lightfoot ang pangatlo, kung saan ang parehong pole vaulter ay nag-clear ng 5.82 meters.

Kinuha ng Asian record holder sa Instagram ang kanyang reaksyon tungkol sa pagkapanalo sa ISTAF outdoor event.

“Finally got this outdoor trophy after so many years of coming up short,” mababasa sa Instagram post ni obiena.

Makikita sa link na ito: https://www.instagram.com/p/Cwvraklo1U2/?img_index=1