Isang 70-anyos na babae mula sa Bulacan, na sinasabing “No Boyfriend Since Birth,” ang ikinasal sa kanyang kaklase sa kindergarten matapos ang 65 taon nang huli silang magkita.

Si Amelia, isang dating guro at negosyante mula sa Bulacan, ay nakahanap ng tunay na pagmamahal kay Felix, na mula sa ibang bansa, ayon sa GMA News.

Nag-reconnect ang dalawa sa social media hanggang sa umuwi si Felix para muling masilayan ang kanyang “childhood crush.”

Makalipas ang ilang buwan, nagpasya silang magpakasal.

“Nung una, linggo-linggo ang pag-uusap. Nang lumaon, naging araw-araw na,” sinabi ni Amelia. 

“Kaya ‘yun ang sinabi ko, ‘ba, iba na ito, ha. Hindi na ito friends,'” dagdag pa niya.

Makikita sa  Elite Wedding Creatives TikTok account, ang video ng kasal ng mag-asawa ay nakakuha ng mahigit 3.7 milyong views.