Twitter photo of singer and actress Lyca Gairanod

Aminado ang the Voice Kids Season 1 grand winner at ngayon ay isa nang aktres na si Lyka Gairanod na sensitibo siya sa mundo ng mga espiritu.

Dahil bukas ang third eye, madalas na pagpakitaan ng mga espiritu at kaluluwa ang singer-actress na si Lyka Gairanod, na bibida sa una niyang pelikula, ang horror film na “Mary Cherry Chua,” na pagbibidahan din ni Ashley Garcia.

Ayon sa mga ulat, bata pa lamang si Lyca nang unang pagpakitaan ng hindi nakikitang mga nilalang sa kanilang bayan sa Tanza, Cavite.

Aniya, noong bata pa siya, nagising siya isang madaling-araw at nakita ang isang babaeng lumulutang sa dagat. Sa tabing-dagat kasi noon naninirahan ang pamilya ni Lyca, bago pa ito ideklarang kampeon sa season 1 ng The Voice Kids noong 2014, kung saan bahagi siya ng Team Sarah.

Dahil sensitibo nga sa mundo ng mga espiritu, chika ni Lyca, naghihilamos siya nang bukas ang mga mata sa takot na baka gulatin siya ng multo. Kakaloka!