Enhypen

Ang K-pop boy group na Enhypen ang pinakabagong brand ambassadors ng Bench, inianunsiyo ng local fashion brand nitong Sabado, Hulyo 1.

Sa video na ipinost sa social media pages ng kumpanya, ipinakilala ng Bench ang seven-piece band bilang bago nitong ‘Global Benchsetter.’

Makikita sa 33-second clip ang Enhypen members na sina Jungwon, Heeseung, Jay, Jake, Sunghoon, Sunoo, at Niki suot ang denim collection ng Bench.

Ang Enhypen ang latest K-pop group na nag-endorso sa Pinoy clothing company, na nauna nang naging brand ambassadors ang Stray Kids, ITZY, at TWICE.

Nagpasikat ng mga kanyang ‘Polaroid Love’ at ‘Bite Me,’ nagtanghal sa Pilipinas ang Enhypen sa unang bahagi ng 2023 sa three-day concert na bahagi ng kanilang ‘Manifesto’ world tour.