Naisyuhan na ng International Criminal Police Organization (Interpol) ng Red Notice ang negosyanteng si Atong Ang, na nahaharap sa patung-patong na kasong kriminal kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ngayong Huwebes, Abril 16.
“Nagkaroon kami ng eyeball confirmation na sa isang lugar dito sa Region 4-A. Noong nalaman namin nag-organize kaagad kami ng team pinasok namin ‘yung lugar. We missed him by a day or two,” saad ni Remulla sa panayam sa programang “Dos por Dos” ng DZRH ngayong Huwebes, Abril 16.
“Officially mayroon na siyang Red Notice, lumabas na. Hindi na siya pwedeng lumabas ng bansa,” pahayag pa ni Remulla.
“Pero nandito (sa Pilipinas) pa siya,” giit ng kalihim.
