Personal na isinauli ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang halagang ₱500 na ibinayad bilang multa ng lalaking na-ticketan matapos maabutang walang pang-itaas habang naghahalo ng semento sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City ngayong Miyerkules, Abril 15.
Sa kaniyang pagbisita, personal ding humingi ng paumanhin si Remulla sa lalaking kinilalang si ‘Jhony Lanquino,’ na nasita kaugnay ng implementasyon ng “Safer Cities Initiative” ng ahensya.
Samantala, nauna nang nagpaabot ng paumanhin si Remulla nitong Lunes, Abril 13, kung saan inamin niya ang naging pagkukulang sa naturang insidente.
Ulat ni Brit Cezar
