Aabot sa 90 oil tankers ang ligtas na nakatawid sa Strait of Hormuz sa gitna ng banta ng Iranian military na aatakehin nito ang mga foreign ships na daraan sa lugar na walang kaukulang permiso.
Karamihan sa mga barkong nakatawid sa Strait of Hormuz ay mga tinaguriang “dark” transits na target ng sanctions ng Western government subalit pinaniniwalaang may basbas ng Iran upang makatawid sa lugar para magkapaghatid ng milyung bariles ng langis sa iba’t ibang lugar ng mundo, ayon sa ulat ng maritime data firm Lloyd’s List Intelligence.
Nitong mga nakaraang araw, ang mga barkong may relasyon sa India at Pakistan ay nakatawid din sa Strait of Hormuz habang nakikipagnegosasyon ang kanilang gobyerno sa Iran.
Nang humigit sa $100 kada bariles ang presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang mercado, humingi ng tulong si US President Donald Trump sa mga kaalyado at trading partners nito para sa pagpapatrulya ng Strait of Hormuz subalit halos lahat ng kanyang pinakiusapan ay tinabla ang kanyang hiling.
