Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga special permit para sa 847 pampasaherong bus bilang bahagi ng paghahanda nito sa Undas.
Ayon kay LTFRB Chairperson Vigor Mendoza II nitong Biyernes, Oktubre 24, saklaw ng mga permit ang 124 na ruta sa Luzon na karamihan ay nagsisilbi sa mga bus terminal at transport hub sa National Capital Region (NCR).
Aniya pa, ito ay upang matugunan ang inaasahang pagdagsa ng mga biyahero sa nalalapit na Undas.
Ulat ni Britny Cezar
