Pinalawig ng Taiwan government ang visa-free privilege policy para sa mga Pilipinong gustong bumisita sa naturang bansa hanggang 2026, inanunsiyo ni Taiwan Minister of Foreign Affairs Lin Chia-lung.

Sa kalagitnaan ng Philippine Independence Day event sa Taipei, inanunsyo ni Taiwan Minister of Foreign Affairs Lin Chia-lung na pinalawig ng pamahalaan ang visa-free privilege policy para sa mga Pilipino hanggang 2026 mula sa orihinal na expiration nito na Hulyo 31, 2025.

Sa ilalim ng nasabing policy, maaaring pumunta ang mga Pilipino sa Taiwan ng hanggang 14 na araw nang walang visa maliban sa mga Pilipino na mayroong diplomatic o official/service passports.

Matatandaan na nagsimula ang naturang polisiya noong Setyembre 2022 at nakatakdang mag-expire sa Hunyo 31, 2023 ngunit in-extend ito hanggang Hulyo 2024.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *