Inanunsiyo ng Vancouver Police nitong Lunes, Abril 28, na karamihan sa mga nasawi sa trahedyang nangyari sa Lapu Lapu Day street festival sa Vancouver, Canada ay mga kababaihan.

Kabilang dito si Maria Victoria “Vicky” Bjarnason na bumisita sa lugar mula sa Pilipinas upang makasama ang kanyang mga anak at dumalo sa naturang piyesta kasama ang kanyang 27-anyos na anak na si Helgi Bjarnason.

Ayon sa kanyang pamilya, hawak umano ni Helgi ang kamay ni Vicky at tinangkang hilahin siya paalis sa sasakyan ngunit nabitawan niya ang kamay ng kanyang ina na nasawi dahil sa SUV na umararo sa lugar.

Bukod kay Vicky, kabilang din sa mga Pilipinang nasawi sina Jendhel May Sico, Reyna Dela Peña, at Rizza.

Samantala, kinasuhan naman ng walong counts ng second-degree m*rder ng British Columbia prosecutors ang 30-anyos na suspek na si Kai-Ji Adam Lo na siyang nagmaneho ng SUV.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *