Sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) mula Pebrero 15 hanggang 19, may kabuuang 51 porsyento ng mga Pilipino ang pabor na managot si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa extrajudicial killings (EJKs) kaugnay sa kanyang “war on drugs” campaign.
Nakita rin sa naturang survey na 25 porsyento ang kontra rito habang 14 porsyento ang “undecided”, at 10 porsyento ang nagsasabing wala silang sapat na impormasyon para makapagbigay ng kanilang opinyon.
Samantala, kasalukuyang nasa The Hague, The Netherlands si Duterte para sa paglilitis ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crimes against humanity na kinahaharap niya dahil sa naturang campaign.
Ulat ni Ansherina Baes