Nakauwi na sa Pilipinas ang tatlong Pilipino na umano’y biktima ng panto-torture sa kamay ng mga Chinese sa loob ng isang scam farm sa Cambodia.

Iniulat ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Lunes, Marso 17, na unang inalok ang tatlong Pilipino ng trabaho bilang customer service representative (CSR) sa Thailand.

Subalit dinala sila sa Cambodia at pagdating dito ay inutusan umano sila na manloko ng mga dayuhan at nang subukan nilang tumakas at lumipat ng kumpanya ay binugbog umano sila ng 15 Chinese.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *